Add parallel Print Page Options

Ang(A) inyong tainga ay inyong ikiling, at pumarito kayo sa akin;
    kayo'y makinig upang ang inyong kaluluwa ay mabuhay.
Ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan,
    ayon sa tapat na kahabagang ipinakita kay David.
Narito, ginawa ko siyang saksi sa mga bayan,
    isang pinuno at punong-kawal para sa mga bayan.
Narito, ang mga bansa na hindi mo nakikilala ay tatawagin mo,
    at ang bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo,
dahil sa Panginoon mong Diyos, at para sa Banal ng Israel;
    sapagkat kanyang niluwalhati ka.

Read full chapter